Paano ba natin pagkakaperahan ang internet? ito ang isa sa napakaraming tanong na aking na-search online. Wala namang masama sa ganito. kaysa naman maghapon kang nakaharap sa laptop mo at nagpo-post sa iyong facebook eh, mabuti na rin segurong subukan natin kong paano tayo makakatulong sa pang-araw-araw nating gastusin sa bahay.
Isa ako sa naghahanap ng trabaho online at sa totoo lang talagang mahirap. Maghapon ka ngang nakaupo, hindi namamalayan ang oras pero talagang nakakapagod. Matatapos nalang ang araw at hindi pa rin ako nakakahanap ng totoong trabaho.
Marami namang nakapila na pwedeng pasukan dahil urgent ang hiring nila pero hindi naman natin alam kong alin sa kanila ang totoo. May iba kasi ay scam sayang lang ang pagud natin. Ang iba naman ay nangangailangan ng registration fee eh, di naman ako pumapatul pagganito na. Talamak na kasi ang lukohan sa internet ngayon. Mayron namang totoo talaga pero napakahirap nilang hanapin.
Sa ilang linggo akong nag-search tungkol sa paano kumita online, napunta ako sa video ni nathan cornella. Isa syang successful blogger at nagtuturo siya kong pano tayo magkaroon ng pera gamit ang google adsense. Sa kanyang video mapapanuod natin lahat. kong pano gumawa ng google account, pano gumawa ng website at pano tayo magkakaroon ng google adsense kong saan tayo magkakaroon ng kita. I-search lang ninyo sa google ang "paano kumita gamit ang google adsense" isa sa mga link na lalabas ay sa kanya. at doon ninyo simulan lahat.
Good Luck!
Salamat sa pagshare nito Admin, share ko rin ang Paid to Click na sinalihan ko at napaka legit, dito ko po pinost sa Paano kumita ng pera Online.
ReplyDeleteThanks in advance.