Monday, July 16, 2012
Gaano ba kasakit ang mawalan?
Ang mawalan ng isang mahal sa buhay ay marahil ang pinakamasakit na pangyayari na hindi natin maiiwasan. Para itong isang malaking bangungot ng lahat na kailangan nating pagdaanan. Mayaman man o mahirap. Hindi madaling basta nalang iwan ng pinakamamahal natin sa buhay. Kahit anong pilit natin na sana "HUWAG" ay yon pa rin ang pinakamabuting gawin, ang bumitaw sa kahit na katiting sa pinanghahawakan para kahit papano ay maging maligaya hindi lang ang pamilya kundi ang lahat ng nakapalibot na walang sawang umintindi at nagmamahal sa isang hindi perpektong nilalang na nasa bingit ng kamatayan.
Hanggang saan ba ang sakit?...
Sanay na tayong makakita ng umiiyak, nawawalan ng malay, hindi kumukibo at minsan mainitin ang ulo kapag may nawalan. Normal ito sa mga taong nasaktan. Walang paglagyan ng sakit at walang salitang makapagpaliwanag sa taong tunay na nagdadalamhati dahil sa sakit na dulot ng iniwanan. Pero sa kabilang banda ano naman kaya ang nararamdaman ng isang taong umiwan? Walang sino mang nakaka-alam kong ano ang mga pangyayari pagkatapos nating mamatay dahil wala pang namatay na bumalik para isalaysay ang buhay pagkatapos mamatay.
Noong namatay ang aking 18 yrs old na kapatid. talagang masakit samin. Minsan nag-usap kami ng tatay tungkol sa pagkawala ng kapatid ko. at hindi ko malilimutan ang sinabi niya na kong sana siya nalang ang namatay... Gusto daw niyang kausapin ang namayapa kong kapatid para tanungin kong kumusta ang lagay niya, ok ba siya, hindi ba siya nahihirapan pero para daw merong isang malaking pader na naghihiwalay sa pagitan niya at ng aking kapatid na kahit anong gawin ay hindi na sila maaring magkita at mag-usap. Talagang nasaktan ang aking tatay. at doble ang dulot ng sakit sa amin na nakikitang siyang ganun.
Kapag nawalan tayo hindi lang pala hanggang sa paglibing natin mararamdaman ang sakit dahil sa totoo lang ang pinakamasakit na parte ng mamatayan ay yong tatabunan na ng lupa ang nag-iisa mong mahal. Doon palang nagsisimula ang pangalawang lebel ng sakit. Hindi ko alam kong hanggang saan ang sakit dahil sa mga sandaling ito ay dama ko parin ang sakit na parang kahapon lang nagyari.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment